^

Police Metro

P14 Utang palit-buhay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halagang P14.00 ang naging halaga ng buhay ng isang 34-anyos na construction worker matapos na laslasin ang kanyang leeg ng katrabaho na nagalit dahil sa hindi pagbabayad ng nasabing halaga na utang nito sa  sugal na tong-its kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Benjamin Pangan Jr., may asawa, ng 7-C, Road 5, San Miguel Ridge, Marulas, Valenzula City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi sa barracks na ginagawang gusali na matatagpuan sa Wagas St., Tondo ay nagsusugal ang biktima, suspek at isa pang katrabaho ng tong-its.

Hindi umano binayaran ng biktima ang P14.00 na talo nito sa  suspek na lingid sa kaalaman ng una ay nagtanim ito ng galit.

Nang makatulog sa barracks, sinamantala ng suspek na  pagsasaksakin at laslasin ang leeg ng biktima na agad nitong ikinasawi.

Nabatid na magkaibi­gan ang biktima at ang suspek kaya hindi akalain ng mga kasama na sa hala­gang P14 na utang ay mapapatay ang biktima.

Patuloy ang imbes­tigasyon na posibleng mas malalim pa sa hindi pagbabayad ng nasabing halaga sa larong tong-its ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

BATAY

BENJAMIN PANGAN JR.

BIKTIMA

HALAGANG

MARULAS

NABATID

SAN MIGUEL RIDGE

VALENZULA CITY

WAGAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with