Pahinante tumalon sa kamatayan
MANILA, Philippines - Kamatayan ang naÂging bunga nang pagtalon ng isang pahinante sa sinasakyang trak na nawalan ng preno kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Agad nasawi ang biktima na si Jowerksy Manrique, 18, ng TiÂbagan, Bustos, Bulacan dahil sa matinding pinsalang natamo sa ulo.
Batay sa ulat, dakong ala-1:35 ng madaling-araw ay bumabagtas ang 16 wheeler truck na minamaneho ni John Mark Espertero, 25 sakay ang biktima ang kahabaan ng MacArthur Highway nang hindi kumagat ang preno ng trak.
Nataranta si Manrique na agad tumalon palabas, subalit natumba ito sa kanyang pagbagsak at naguluÂngan ng trak sanhi ng agad nitong kamatayan.
Nagawa namang maipreno pa ng tsuper ang trak at nakita ang sinapit ng kanyang pahinante.
Ang driver ng truck ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
- Latest