^

Police Metro

P-Noy muling binatikos habang nagtatalumpati

Rudy Andal - Pang-masa

ILOILO CITY, Philippines -- Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakaranas ng pagbatikos si Pangulong Benigno Aquino III mula sa apat na militanteng estudyante nang makalusot ito sa mahigpit na kordon ng pulisya habang ito ay nagtatalumpati sa inagurasyon ng Sen. Benigno Aquino Jr. Avenue sa lungsod kahapon ng umaga.

Napahinto sa kanyang talumpati si Pangulong Aquino sa ginawang pagbatikos sa kanya ng 4 na estudyante na agad namang dinampot ng pulisya at inilayo sa pagtitipon.

“Maraming salamat po sa kanila,” wika pa ng Pangulo patungkol sa 4 na estudyanteng bumatikos sa kanya habang ito ay nagtatalumpati.

Una nang  na-heckle ang Pangulo dahil sa pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng Kalayaan ng nag-iisang estudyante sa Naga City.

AQUINO

BENIGNO AQUINO JR. AVENUE

ESTUDYANTE

KALAYAAN

MARAMING

NAGA CITY

NAPAHINTO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with