^

Police Metro

8 bebot, 16 kelot huli sa raid

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - WALONG babae at 16 na lalaki ang dinampot ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan City Police at lokal na pamahalaan sa inilunsad na “Oplan Magdalena at Oplan Bakal” sa ilang nightclub sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Unang sinalakay ng mga tauhan ni Sr. Insp. Lolit Lucas, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Northern Police District (NPD) ang Van Patrick Grill bago tinungo ang Bodies Point na pawang nasa Tala District, Barangay Camarin makaraang makatanggap ng impormasyon na pawang mga walang kaukulang working permit ang mga nagtatrabaho sa mga naturang bar.

Kasama ng grupo ng WCPD ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG), District Special Operations Unit (DSOU) at Bureau of Permit and Licensing Office (BPLO) ng Caloocan city hall nang isagawa ang operas­yon sa ilalim ng “Oplan Magdalena” at “Oplan-Bakal”

Ang walong babae sa tanggapan ng Social Welfare and Development Office ng lokal na pamahalaan  habang sa headquarters ng Caloocan police naman ang 16  kalalakihan upang maberipika kung may mga kinakaharap silang kaso.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kaukulang business at license permit ang sina­lakay na bar kasunod ng rekomendasyon sa tulu­yang pagpapasara sa natu­rang mga establisimiento.

BARANGAY CAMARIN

BODIES POINT

BUREAU OF PERMIT AND LICENSING OFFICE

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

OPLAN MAGDALENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with