Mangingisda nasabugan ng dinamita
MANILA, Philippines - Halos nagutay ang katawan ng isang mangiÂngisda matapos sumabog ang hawak nitong dinamita na gamit niya sa illegal na pangingisda sa karagatan ng Brgy. Mapuya, Del Carmen, Surigao del Norte kamakalawa ng hapon.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Julito Cebo Sr., 38, na namatay noon din.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-2:00 ng hapon sa bahagi ng karagatan ay alas-5:00 pa lamang ng umaga ay umalis na ang biktima kasama ang 14-anyos nitong anak na si Julito Cebo Jr. para mangisda.
Habang nangingisda ang mag-ama ay kinuha ng biktima ang isang boteng lapad na pinaglagyan nito ng dinamita na habang sinisindihan nito ay aksidenteng sumabog sa kaniyang katawan ng wala sa oras.
Masuwerte namang hindi nasaktan ang anak nito na nagkataong nasa kabilang bangka.
- Latest