^

Police Metro

10 oras na hostage drama... abogado tinodas, hostage taker nag-suicide

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging madugo ang hostage-drama na halos tumagal ng 10 oras matapos na patayin ng sekyu ang amo na abogado at pagkatapos nagbaril din ito sa ulo naganap sa loob ng pinapasukang gusali sa Balonbato, San Juan City.

Hindi na naisalba ang buhay ng biktima na si Atty. Solomon Condonuevo, 67, na nasawi kahapon ng alas-8:00 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa San Juan Medical Center bunsod ng tama ng bala sa ulo.

Namatay rin ang suspek na si Charliemaine Aton, 35, security guard ng Golden Knight Agency matapos na magbaril sa sarili bago pa man masukol ng mga otoridad.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang magsimula ang pangho-hostage ng suspek sa biktima sa loob ng Optima Building na matatagpuan sa N. Domingo St., matapos magkasagutan dahil sa nawawalang susi.

Sinubukan ng mga otoridad na kumbinsihin ang suspek na sumuko at
huwag saktan ang biktima ngunit nabigo ang negosasyon na umabot ng hanggang alas-7:35 ng umaga kahapon.

Nataranta umano ang suspek nang makita na maraming tao sa paligid ng gusali kahit nakikiusap na ang mga kaanak na sumuko kung kaya’t binaril nito sa ulo ang bihag.
Kaya pinasok na ng SWAT team ang gusali at bago pa man masukol ang suspek ay nagbaril na ito sa sarili na kaagad nitong ikinasawi.

Sinasabing naburyong ang suspek na dumaraan umano sa patung-patong na
problema sa trabaho at kanyang nobya.

 

BALONBATO

CHARLIEMAINE ATON

DOMINGO ST.

GOLDEN KNIGHT AGENCY

KAYA

NAMATAY

OPTIMA BUILDING

SAN JUAN CITY

SAN JUAN MEDICAL CENTER

SOLOMON CONDONUEVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with