^

Police Metro

Tatay pinatay sa harap ng 2 anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang dalawang anak binaril ang isang tatay ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa  Brgy. Banahao, Lianga, Surigao del Sur.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Crispin  Bacangoy, 41-anyos.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga kasalukuyang lulan ng kulay pulang  motorsiklong Honda XRM ang biktima kasama ang dalawang paslit na anak na sina Criszame at Warren.

Pagbaba nila sa bisi­nidad ng Market Square ay biglang sumulpot at hinarang sila ng armadong salarin at agad na pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay tumakas ang suspek patungo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Ban-as, Lianga ng lalawigang ito.

Hindi naman ginalaw ng suspek ang dalawang bata na natulala sa nasaksihang pagpaslang sa kanilang ama.

 

vuukle comment

BACANGOY

BANAHAO

BRGY

CRISZAME

LIANGA

MARKET SQUARE

NANG

PAGBABA

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with