Lani nais dalawin si Bong araw-araw
MANILA, Philippines - Hiniling ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado sa Sandiganbayan at sa Philippine National Police (PNP) na payagan silang pamilya na araw-araw dalawin ang mister na si Senador Bong Revilla sa piitan nito kasabay na rin ng panalangin na sana ay maging maluwag ang mga otoridad sa kanilang pamilya.
Bago sumuko ay pinagbilinan na rin ni Revilla ang misis na ipagpatuloy ang trabaho nito bilang kongresista at ipakita sa taumbayan na hindi ito bumibitiw sa kanyang resÂponsibilidad bilang public servant at ipakita kung gaano siya katatag.
Madamdamin din ipinahayag ng kongresista na sa ngayon ay kailaÂngan niyang magpakatatag para sa kanilang pamilya sa gitna ng pinagdaraaÂnang pagsubok sa buhay at pagkapit sa Diyos.
Aminado naman si Mercado na ang dalawa nilang bunsong anak na sina Ram at Loudette ang hindi matanggap ang kasong kinakaharap ng kanilang ama.
Tiniyak ng pulisya na istriktong ipatutupad ng mga opisyal at bantay sa PNP Custodial Center ang ‘visiting hours’ mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon lamang.
- Latest