^

Police Metro

Pinagmumura ang tauhan... Opisyal ng MPD inireklamo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa ginawang ‘malulutong na pagmumura’ ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD) kaya siya ipinagharap ng reklamo ng kanyang sariling tauhan.

Sa reklamong inihain sa Manila Police District-General Assignment Section ni PO3 Erickson Fernandez, 34, nakatalaga sa MPD-Pedro Gil Police Community  Precinct, sinabi nito na naganap ang pagmumura sa kanya ng kanyang hepe na si Senior Insp. Robert Bunayug sa isang clearing operation.

Ayon kay Fernandez, nag-ugat ang pagmumura ni Bunayug nang utusan siya na itaboy ang mga vendor sa  P. Gil at hulihin umano ang isang nakasuot ng pulang t-shirt.

Ginawa naman umano ang utos subalit ang pagdakip sa nakapula ay hindi nagawa dahil marami umano ang nakasuot ng pulang t-shirt , kaya bumalik sa hepe upang linawin kung sino doon ang huhulihin.

Uminit umano ang ulo ni Bunayug at minura umano si Fernandez at sinabihan pa na hubarin na ang uniporme dahil hindi ito dapat magpulis kasabay ng pagbabanta na kakasuhan ng insubordination.

Napahiya si Fernandez  at natungo kay Supt. Romeo Juan Macapaz, hepe ng MPD-Station 5, nakakakasakop sa kanilang dalawa, upang mailipat siya ng puwesto.

 

AYON

BUNAYUG

ERICKSON FERNANDEZ

FERNANDEZ

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

PEDRO GIL POLICE COMMUNITY

ROBERT BUNAYUG

ROMEO JUAN MACAPAZ

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with