^

Police Metro

2 ‘Tomador’ tinodas sa inuman

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinodas ang dalawang ‘tomador’ sa naganap na magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Caloocan City at Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa unang insidente ay pinagsasaksak ang isang binata ng hindi pa nakikilalang salarin nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima para kumuha ng pulutan sa kanilang inuman.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tinamong mga tama ng saksak ang biktimang si John Castro, 43-anyos, ng Tambakol Street, Caloocan City.

 Sa ulat ng Caloocan Police, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kapitbahay at barkada dakong alas-11:40 ng gabi nang magpaalam na uuwi upang kumuha ng mapupulutan sa kanilang tahanan.

 Nakarinig na lamang ang mga kapitbahay ng sigawan at kalabugan sa bahay ng biktima hanggang sa maaninag na lu­mabas ang ilang lalaki at nagmamadaling tumakas.  Bumungad naman ang katawan ni Castro na naliligo sa sariling dugo nang puntahan ng mga kaanak.

Ang ikalawang insidente ay hindi naman uma­bot ng buhay sa Tondo Medical Center  si Rene Maglinas, 32, nakatira sa Magsaysay St., Barangay San Agustin, Malabon City matapos na barilin sa sentido habang nakikipag-inuman.

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang tumatagay ang biktima dakong alas-10 ng gabi sa tapat ng tindahan sa may Estrella St., Brgy. Tañong, nang biglang sumulpot ang salarin at agad na barilin sa ulo.

 Kaswal lamang umanong tumakas palayo ang  suspek habang nagkanya-kanyang nagpulasan ang mga nakainuman ng biktima. 

Kapwa blangko pa ang mga awtoridad kung sino ang mga salarin at sa motibo ng krimen sa ginawang pagpatay sa dalawang tomador.

 

BARANGAY SAN AGUSTIN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

ESTRELLA ST.

JOHN CASTRO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAGSAYSAY ST.

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with