^

Police Metro

Lolo na police asset inutasng mag-amang pusher

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang 65-anyos na lolo  ng isang mag-aama habang ito ay naglalakad kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nasawi noon din ang biktimang si Diomedes Timoteo, vendor,  ng 304 Sampaloc, St., Rawis,  Tondo, Maynila.

Nadakip naman ang isang Angelito Ferrer, 33, pintor, na umano’y nagsilbing look-out at alalay ng mag-amang suspek na sina Samson Donggon Sr. at anak na si Samson Jr., ng 200 Sampaloc St., Rawis, Tondo.

Sa ulat, dakong alas 10:15 ng gabi ay nagla­lakad ang biktima sa kanto ng CP Garcia at Rawis Sts., Tondo nang ito ay pagbabarilin ng mag-amang Samson.

Ayon sa anak ng biktima na si Leonardo na pinaghihinalaang asset ng pulis ang kanyang ama at ito ang nakikitang motibo kung bakit ito  binaril dahil inakala ng mga suspek na isinusumbong ito  sa pagbebenta nila ng shabu.

vuukle comment

ANGELITO FERRER

AYON

DIOMEDES TIMOTEO

MAYNILA

RAWIS

RAWIS STS

SAMPALOC ST.

SAMSON DONGGON SR.

SAMSON JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with