Nasibak sa trabaho, pumatay
MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang isang sales representative nang pagsasaksakin ng nasibak na pahinante sa pag-aakalang ang una ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho naganap kahapon sa Paco, Maynila.
Ang nasawi dahil sa tinamong saksak sa likod at dibdib ay kinilalang si Alvin Lagrimas, 44, residente ng President Quirino Avenue, Paco, Maynila.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Arturo Marciano III, 40, ng no. 1684 President Quirino Avenue, Paco, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas-1:00 ng hapon nang maganap ang krimen malapit sa bahay ng biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na may galit ang suspek sa biktima dahil pinagdududahan na ang huli ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho.
Ayon sa pulisya na ang biktima ang nagpasok sa suspek sa trabaho, subaÂlit natanggal ito dahil sa may katamaran na laging sinisita ng una hanggang sa masibak ito sa trabaho.
Kaya’t nang magsalubong ay dito na inilabas ng suspek ang galit hanggang sa mag-away at nang bumagsak ang biktima ay dito na siya sinaksak.
- Latest