^

Police Metro

OFWs na patungo ng Texas binalaan ng POEA

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) na huwag magpaloko sa mga illegal recruiter na nangangalap ng aircon  mechanics sa  Texas.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, walang job order ng aircon mechanic sa Texas.

Sinabi ni Cacdac, sa kabila ng high profile aircon failu­re na naganap sa AT&T Center sa San Antonio, Texas sa Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng San Antonio Spurs at Miami Heat, ay wala pa ring available jobs bilang AC repairmen sa naturang lugar.

“No POEA job orders for aircon technicians in San Antonio,” ani Cacdac, sa kanyang Twitter account, matapos makatanggap ng impormasyon ng may ilang illegal recruiter ang naghahanap ng nasabing trabaho patungo sa Texas.

Nauna rito, nitong Biyernes ay nagkaroon ng problema sa aircon sa pinakaaabangang Game 1 ng NBA Finals sanhi upang ma-dehydrate ang mga manlalaro at pagpawisan ng labis ang may 18,581 na nanonood dahil sa napakatinding init sa loob ng arena.

Sinasabing electrical failure ang naging ugat ng problema.

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

AYON

BINALAAN

CACDAC

MIAMI HEAT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

T CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with