^

Police Metro

Parak tinodas ng nakamotor

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng siyam na beses ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO1 Louie Soledad, nakatalaga sa Muntinlupa City Police Station at nakatira sa NBP Reservation, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:40 ng madaling-araw ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Barangay BF Almanza.

Sinabayan ang biktima ng dalawang lalaki na sakay ng tig-isang motorsiklo at tinabihan ang biktima at bigla na lamang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ang una.

Ayon sa dalawang saksi na nakita nila kung paano barilin ang biktima na noon ay nagmama­kaawa at hinablot ng isa sa suspek ang bag at muli itong pinagbabaril.

Tumakas ang dalawang suspek sakay ng kani-kanilang motorsiklo.

Malaki ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang mga suspek at patuloy ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang motibo ng pagpatay.

 

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ALMANZA

AYON

BARANGAY POBLACION

LAS PI

LOUIE SOLEDAD

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with