^

Police Metro

Timekeeper minaso sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos sabog ang bungo ng isang 42-anyos na lalaki na timekeeper sa isang construction nang ito ay matagpuan ng kanyang mga kasamahan sa loob ng barracks kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Raul Evangelista, may-asawa. Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si John Rey Ignacio, 20, ng Block 35,Lot 11, Phase 2, Towerville, Binayon Proper, San Jose Del Monte Bulacan.

Sa ulat, bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-5:45 ng umaga sa kanyang barracks sa no. 63 Ipo St., kanto ng CDC St., Brgy. N.S Amoranto,  La Loma, Libis ay nakikipag-inuman ito dakong alas-7:00 ng gabi kasama ang suspek.

Matapos ang inuman dakong alas-10:00 ng gabi ay nagpaalam na ang biktima at suspek na uuwi dahil may pasok pa kinabukasan.

Nang umuwi ang tatlong kasamahan mula rin sa inuman ay nadatnan nila ang biktima na duguang naka­handusay at hindi matagpuan ang suspek.

Narekober sa lugar ang maso na ginamit ng suspek para hatawin sa ulo ang lasing na biktima.

 

BINAYON PROPER

BRGY

IPO ST.

JOHN REY IGNACIO

LA LOMA

QUEZON CITY

RAUL EVANGELISTA

S AMORANTO

SAN JOSE DEL MONTE BULACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with