Obrero dedo sa maling tawiran
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos na ito ay masalpok ng isang dump truck habang tumatawid sa umano’y maling tawiran kahapon ng madaling-araw sa Quezon Avenue, Quezon City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Rodel Dones, 27, binata, construction worÂker at residente ng no. 11 Jose Abad Santos.
Sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling-araw ay tumatawid ang biktima sa eastbound lane ng Quezon Avenue, harap ng Melendre Centre, Brgy. Paligsahan nang biglang mabundol ng humaharurot na truck.
Tinulungan ng truck driver ang biktima na dalhin ospital, subalit namatay ito sa daan pa lamang.
- Latest
















