^

Police Metro

Broadcaster, irereklamo sa KBP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa hindi patas na pag-uulat ay nakatakdang ireklamo sa Kapisanan ng mga Broadcaster  ng Pilipinas (KBP) ni Boracay West Cove chief executive Crisostomo Aquino si broadcaster Ted Failon sa halos tatlong taon nang paninira sa naturang establisimyento nang hindi ibinibigay ang kanilang panig.

“Halos tatlong taon nang binabanatan ni Failon ang Boracay West Cove sa kanyang mga programa sa radio at telebisyon pero kahit minsan ay hindi niya ibinigay ang a­ming panig,” ani Aquino. “Masyado niya akong pinepersonal sa kanyang mga programa, bakit ang West Cove lang ang nakikita niya?”

Dinismis kamakailan ng Office of Ombusdman sa Visayas ang dalawang kasong isinampa ni Gen. Tinio (Nueva Ecija) Mayor Virgilio Bote  laban kay Aquino at sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)  at  Malay, Aklan.

Nilinaw sa desisyong inaprubahan ni Ombusdman Conchita Carpio Morales na ang may solong hurisdiksiyon sa Boracay West Cove ay ang DENR sanhi ng Flag-T contract nito para para paunlarin ang nasabing lugar na isang kagubatan o forest land kaya hindi kabilang sa 25 plus 5 meters easement  na ipinatutupad sa Boracay shoreline.

Inihabla na rin ni Aquino si Bote ng kasong falsification of public documents sa umano’y paggamit ng mga pekeng dokumento para kamkamin ng kompanya nitong ATOM ang dalawang ektaryang lupain sa tabi ng Boracay West Cove.

 

AQUINO

BORACAY WEST COVE

CRISOSTOMO AQUINO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MAYOR VIRGILIO BOTE

NUEVA ECIJA

OFFICE OF OMBUSDMAN

OMBUSDMAN CONCHITA CARPIO MORALES

TED FAILON

WEST COVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with