^

Police Metro

Tsinoy inutas dahil sa Dota

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang estudyanteng Tsinoy dahil sa umano’y alitan sa computer game  sa isang establisyementong komersyo sa labas ng campus sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

 Ang  biktima na si Samuel Go III, 21, tubong Surigao at estudyante ng BS Agricultural Enginee­ring sa Mindanao State University ay idineklarang dead-on-arrival sa Amai Pakpak Medical Center bunsod ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Sa ulat ng Marawi City Police, alas- 7:25 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang biktima kasama ang dalawa pang babaeng estudyante ay papasok sa Hamida Store upang bumili ng pagkain ng biglang dumaan ang isang kabataang lalaki at mabilis na pinagbabaril ang biktima at saka agad na tumakas.

Bago naganap ang insidente ay nakita  ang biktima na pumasok sa All Star Internet Café at naglaro ng Dota.

Pinaniniwalaan naman na napahiya ang suspect matapos na talunin ng biktima sa nasabing Dota.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng SOCO team ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM pistol sa crime scene. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kaso.

vuukle comment

AGRICULTURAL ENGINEE

ALL STAR INTERNET CAF

AMAI PAKPAK MEDICAL CENTER

DOTA

HAMIDA STORE

MARAWI CITY

MARAWI CITY POLICE

MINDANAO STATE UNIVERSITY

SAMUEL GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with