^

Police Metro

Habang pumupusta sa lamay bebot binistay ng bala sa lamay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na bala ang ibinaon ng hindi pa kila­lang suspek sa isang babae na pumupusta sa sugal sa isang lamayan kahapon ng madaling-araw sa Balut, Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot sa Tondo Ge­neral Hospital ay kinila­lang si  Mary Rose Flores, 33-anyos, residente ng no. 96 A. Nepa st. Balut, Tondo, Maynila.

Hindi pa kilala ang suspek na inilarawan ng mga saksi na  may taas na .5’5”-5’6”, maskulado, maitim at nakasuot ng kulay itim na ball cap.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay nasa lamayan ang biktma na matatagpuan sa no. 98 A. Nepa St.., Balut at dito ay abala sa pagpusta sa sugal na dice nang dumating ang suspek na nagpapanggap na pumupusta rin sa sugal.

Nang makatiyempo ang suspek ay pinagbabaril ang biktima bago tumakas na nakisabay sa pagtatakbuhan ng mga naglalamay.

Nawala lahat ng tao sa lamayan dahil sa komos­yon at naiwang duguan ang biktima na isinugod naman sa nasabing ospital, subalit namatay din ito.

May nakapagbigay ng impormasyon na ang suspek ay naglakad patu­ngong San Rafael Village matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at kung sino ang suspek.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY ROSE FLORES

MAYNILA

NANG

NAWALA

NEPA

NEPA ST.

SAN RAFAEL VILLAGE

TONDO GE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with