^

Police Metro

6 kawani ng denr dinukot

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang 6 na surveyors ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kabundukan ng Brgy. New Leyte, Maco, Compostela Valley  kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Kendrik Wong, Nico Lasaca, Chris Favila, Matthew Cua, Jonas Loredo at Tim Sabina.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon naganap ang pagdukot sa mga biktima sa liblib at bulubunduking bahagi ng nasabing lugar habang ang mga ito ay nagsasagawa ng pag-iinspeksyon kung tumatalima sa National Greening Program (NGP) ang lokal na pamahalaan.

Ang mga biktima ay pawang sub-contractors ng DENR-Manila na walang nagawa matapos na tutukan ng baril at kaladkarin patungo sa kagubatan ng mga kidnaper.

Sa kasalukuyan, ayon kay Caber ay tinutugis na ng Army’s 1001st Infantry Brigade katuwang ang PNP ang mga kidnaper.

Sinabi ni AFP –Eastmincom Commander Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz na sa kasalukuyan ay wala pang demand ang mga abductors na posibilidad na may kinalaman ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) bagaman patuloy pa itong iniimbestigahan.

Bumuo na rin ng Crisis Management Committee (CMC) sa pamumuno ng alkalde ng Maco para sa ligtas na pagpapalaya sa mga binihag.

 

CHRIS FAVILA

COMPOSTELA VALLEY

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EASTMINCOM COMMANDER LT

INFANTRY BRIGADE

JONAS LOREDO

KENDRIK WONG

MATTHEW CUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with