^

Police Metro

Lasenggerong anak pinatay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang parang ha­yop na kinatay ng isang tatay ang kanyang 26-anyos na anak na lalaki nang ito ay pinagtataga at pinagsasaksak ng itak sa gitna nang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Kagawasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Zamboanga del Sur Medical Center ay kinilalang si Jerry Traya, sanhi ng mga tinamong taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya matapos ang ilang oras na gawin ang pagpatay sa anak ay kinilalang si Longerciano Traya, 54, biyudo at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:45 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ama ay umuwing lasing ang biktima.

Nagpapahinga umano ang ama nang ito ay lapitan ng anak at nakipag-argumento na hindi umano nagustuhan ng una kaya’t nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna nang pagtatalo ay kumuha ng itak ang ama at walang habas na pinagtataga at pinagsasaksak ang lasing na anak.

Nang mapatay ng ama ang anak ay  tumakas ito habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima ng mga sumaklolong kapitbahay, subalit namatay din ito.

Makalipas ang ilang oras ay boluntaryong  sumuko sa pulisya ang ama na kakasuhan ng parricide.

 

vuukle comment

BRGY

JERRY TRAYA

KAGAWASAN

LONGERCIANO TRAYA

MAKALIPAS

MISTULANG

PAGADIAN CITY

SUR MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with