^

Police Metro

Ina, 6 anak na survivor ng super bagyong Yolanda patay sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ina at lima nitong anak na pawang mga nakaligtas sa super typhoon ‘’Yolanda’’ sa Tacloban City, ang nasawi matapos na masunog ang pansamantalang tinutuluyan nilang tent kahapon ng madaling-araw.

Ang mga nasawi habang ginagamot sa Eas­tern Visayas Regional Medical Center ay  kinila­lang si Maria Eliza Ocenar, 39 at mga anak nitong sina Cathleen, 12; Justine, 9; Jasmine Claire, 5; Jovelyn, 3 at Jacklyn, 4 buwang sanggol. Habang ang nasa kritikal ang kondisyon na si John Mark, 7 ay pumanaw na rin.

Nagkataon namang wala sa kanilang bahay ang mister ng ginang na si Reynante, 43, isang ma­ngingisda.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, bandang alas-12:20 ng madaling-araw ay nasa kasarapan ng tulog ang mag-iina nang tupukin ng apoy ang kanilang ‘temporary shelter na matatagpuan sa Costa Brava, San Jose District.

Hindi na nakalabas ang mag-iina sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kanilang tinutuluyang tent.

CATHLEEN

COSTA BRAVA

HABANG

JASMINE CLAIRE

JOHN MARK

MARIA ELIZA OCENAR

SAN JOSE DISTRICT

TACLOBAN CITY

VISAYAS REGIONAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with