^

Police Metro

PNP handa na sa balik-eskuwela

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handa na ang seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa pagbabalik ng mil­yun-milyong estudyante mula sa elementarya at kolehiyo sa buong bansa sa susunod na linggo.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, inalerto na nila ang lahat ng unit ng pulisya sa  buong bansa partikular na sa Metro Manila para sa muling pagbubukas ng klase simula sa darating na Hunyo 2, 2014.

Ang pagbubukas ng klase ay mag-uumpisa sa Hunyo 2 sa mga pampublikong paaralan at Hunyo 6 naman sa mga pribadong eskuwelahan.

Nasa 18,580 police personnel ang idedeploy at 7,441 namang Police Assistance Desks (PADs) sa buong kapuluan sa pakikipagtulungan sa Local Govern­ment Units (LGUs), Parents Tea­chers Association (PTA) at Non Government  Organizations (NGOs).

Kaakibat ng pagpapatupad ng “Oplan Balik Eskuwela 2014” ay ang pagpapalakas ng police visibility, mobile patrol  at mabilis na pagtugon sa mga humihingi ng tulong  lalo na ang mga estudyanteng target biktimahin ng sindikatong kriminal.

Inatasan  din ang mga traffic enforcement units ng PNP sa Metro Manila na makipagtulungan sa MMDA at mga local traffic enforces para mapangalagaan ang daloy ng trapiko na inaasa­hang magsisikip oras na magsimula ng dumagsa ang mga estudyante na magmumula pa sa mga lalawigan.-Joy Cantos , Lordeth Bonilla-

 

CHIEF SUPT

HUNYO

JOY CANTOS

LOCAL GOVERN

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

NON GOVERNMENT

OPLAN BALIK ESKUWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with