^

Police Metro

Truck driver tigok sa heat stroke

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok sa heat stroke ang isang 41-anyos na truck driver, ilang oras matapos magdiskarga ng cargo, sa North Harbor, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Catalino Javier, ng Correa Trucking, ng Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:45 ng umaga nang  matuklasan ng pahinante at kasamahan sa trabaho na si George Bernardo na hindi na ito gumagalaw sa loob ng nakaparadang truck.

Ayon sa imbestigasyon, inirereklamo na umano ng biktima kay Bernardo na masama ang kaniyang pakiramdam dahil sa sobrang init ng panahon. Niyaya pa umano ang biktima na lumabas muna upang mag-inuman ay hindi sumama, bandang alas-12:00 ng madaling araw.

Dahil naiwang nag-iisa sa Truck Holding Area sa MICT ay nagpahinga umano sa loob ng truck at nang gisingin na  siya ng mga kasamahan ay hindi na kumikilos at ipinaalam ito sa kaniyang pahinante.

vuukle comment

AYON

BERNARDO

CATALINO JAVIER

CORREA TRUCKING

GEORGE BERNARDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

NORTH HARBOR

NUEVA ECIJA

TRUCK HOLDING AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with