^

Police Metro

Notoryus na holdaper ‘binura’ sa Divisoria

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binura sa listahan ng mga notoryus na holdaper sa Divisoria ang isang lalaki  na madalas umanong sangkot sa mga nakawan at holdapan, nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek, habang ang biktima ay nakaupo sa isang folding bed  sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila, kamakalawa ng  gabi.

Dead on the spot ang biktima na kilala sa Divisoria sa alyas na “Linga”, tambay at walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente  dakong alas-11:30 ng gabi habang nakaupo ang biktima at nagpapahinga  sa nakalatag na folding bed  sa kalye.

Ayon kay  Duran, kilala ng mga vendor ang biktima sa pagiging holdaper na matagal umanong nagtago at kamakalain lamang nagbalik, na posibleng natiyempuhan ng humahanting sa kaniya.

Tatlong basyo ng bala ng 9mm na baril ang narekober ng mga awtoridad  sa crime scene.

vuukle comment

AYON

BINONDO

BINURA

CRISTO ST.

DIVISORIA

DURAN

JOHN CHARLES DURAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with