^

Police Metro

Trader na may sakit na diabetes sariling ulo ‘pinasabog’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyante na may sakit na diabetes ang ‘pinasabog’ ang sariling ulo na agad na nasawi sa loob ng kanilang master’s bedroom sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Dulay, nasa hustong gulang na nakatira sa Unit 203 Anson Building,  #2808 Rizal Avenue, Sta.Cruz, Manila.

Sa ulat ni SPO1 Ri­chard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi nang madatnan ng misis na si Yorina, 52, ang kaniyang mister na nakadapa sa kanilang kama, duguan at sabog ang ulo  habang  ang isang .9 mm na pistola ay nasa tabi nito.

Umuwi umano ang misis at pansamantalang iniwan ang kanilang negosyong canteen sa Binondo para painumin ng gamot ang biktima at hindi akalaing patay na itong dadatnan.

Madilim umano ang bahay at nang-buksan ang ilaw ni Yorina at tinatawag nito ang biktima subalit walang sumasagot kaya tinungo ang kanilang silid at doon natagpuan ang mister na wala ng buhay.

Nabatid na may apat na taon nang may sakit na diabetes ang biktima at posibleng nahihirapan na ito dahil sa madalas na pagsasailalim sa dialysis, na posibleng dahilan upang wakasan ang sari­ling buhay.

Gayunman ay nagsasagawa parin ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng negos­yante.

Dinala ang bangkay nito sa St. Harold Funeral para sa kaukulang awtopsiya.

 

ANSON BUILDING

BINONDO

CRUZ

DINALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RIZAL AVENUE

RODOLFO DULAY

ST. HAROLD FUNERAL

YORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with