^

Police Metro

Ex-Commissioner ng NIC, pinagnakawan na, inutas pa

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang dating commissioner ng National Insu­rance Corporation (NIC) matapos na pagnakawan na ay pinatay pa ng dalawang kawatan na miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ sa loob ng tahanan nito sa Bacoor City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Bacoor City Police P/Supt. Rommel Estolano ang biktima na si Atty. Eduardo Malinis, 75, biyudo at residente ng No. 331, St. Joseph Subdivision, Brgy. Panapaan III ng lungsod.

Ayon kay Estolano ang krimen ay nadiskubre ng kapitbahay ng matanda na si Danny de Jesus  bandang alas-4:30 ng hapon matapos itong sumilip sa bintana ng tahanan  ng biktima sa nasabing lugar.

Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng Bacoor City Police at nadatnan sa kusina  si Malinis na nakagapos ng manipis na wire ang dalawang mga kamay at paa, may tali sa leeg , nakatape ang bibig at nakatakip ng damit sa ulo.

Magulong–magulo ang buong kabahayan at nakabukas ang lahat ng drawer at nakabaligtad ang mga higaan sa bahay ng matanda.

Ayon kay Estolano, naisugod pa sa St. Dominic Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon, puwersahang winasak ng mga suspek ang pintuan ng tahanan ng biktima at nadiskubre rin na nawawala ang laptop nito at hindi pa madeterminang halaga ng pera.

Inihayag ng opisyal na may lead na ang  pulisya sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek bagaman tumanggi munang idetalye ito upang hindi mabulilyaso ang dragnet operation.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

AYON

BACOOR CITY

BACOOR CITY POLICE

BACOOR CITY POLICE P

EDUARDO MALINIS

ESTOLANO

NATIONAL INSU

ROMMEL ESTOLANO

ST. DOMINIC HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with