^

Police Metro

Mabahong tomador kinatay ng kainuman

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y argumento tungkol sa masangsang na amoy at hindi paliligo, pinagsasaksak ang isang lasenggo ng kanyang kainuman kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dahil sa walang makapagsabi ng tunay na pa­ngalan, pansamantalang binigyan na lamang ang biktima ng alyas na “Boy Baho”, residente ng Iba OST, Calumpit, Bulacan, habang tinutukoy naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspect na agad na tumakas matapos ang insidente.

 Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng makipag-inuman ang biktima sa suspect at ilan pang lalaki sa may Estrella St., Brgy. Tañong.  Dahil umano sa masangsang na amoy, sinabihan ng suspect ang biktima na maligo naman dahil sa malakas na ang putok nito sa katawan na mabilis na ikinagalit ng biktima.

Ilang sandali pa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspect na lingid sa kaalaman ng una ay armado ng patalim na mabilis na iniunday dito. Sa ngayon ay pinaghahanap na rin ng pusliya ang iba pang mga kainuman ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

BOY BAHO

BRGY

BULACAN

CALUMPIT

DAHIL

ESTRELLA ST.

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with