Kotse vs tricycle: 4 dedo, 3 sugatan
MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan nang aksidenteng magbanggaan ang isang humaharurot na kotse at kasalubong nitong tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy. San Agustin, Ibaan, Batangas nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat ni Sr. Inspector Ramises de Castro, hepe ng Ibaan Police, kinilala ang mga nasaÂwing biktima na sina Glenn Minas, Ferdinand Uy, Bernie Supnit, 35 anyos; pawang dead-on-arrival sa Queen Mary Hospital at Nina Gariando na namatay din habang ginagamot sa nasabing ospital.
Patuloy naman ginaÂgamot sa ospital ang mga sugatang sina Lovely May Castillo, 15; Dianne Boliva, 16 at Jomar Sanchez, 21 anyos.
Base sa imbestigasÂyon, sinabi ni De Castro na kasalukuyang bumabagtas ang Honda Civic (WHJ 577) na minamaneho ni Uy sa natuÂrang highway ng mangyari ang trahedya dakong alas-8:20 ng umaga. Nabatid na gaÂling sa Rosario, BaÂtangas ang nasabing Honda Civic at patungong Ibaan ng maganap ang insidente.
Nag-overtake umano ang kotse sa isang motorsiklo na minalas namang makabanggaan ang kasalubong nitong tricycle na minamaneho naman ni Supnit.
Sa lakas ng banggaan ay tila latang niyupi ang mga nasabing sasakyan. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masuÂsing imbestigasyon ang insidente.
- Latest