^

Police Metro

Intsik, 1 pa timbog sa P5.3-M shabu

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Chinese national at isang Pinoy ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City at Caloocan City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Gao Qiang, 24, alyas “Kevin”, Chinese national, residente ng Cluster 5, Montecita sa Pasay City at Gilbert Villagen, alyas Tata, 32, walang trabaho, ng Vanguard 178, Area D, Camarin II, Caloocan City.

Si Qiang ay ilang buwan na tinugaygayan ng mga operatiba at nang mag-positibo ay  sinimulan ang isang buy-bust operation.

Nakipagtransaksyon si Qiang sa isang ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer na bibili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 mil­yon at nang magkasundo ay nagpalitan ito ng items sa kahabaan ng New Port Blvd. sa Pasay City at dito naaresto si Qiang.

Si Villagen naman ay sinasabing “bigtime” na tulak ng shabu  ang nasakote ng PDEA at at Northern Police District (NPD) sa isang ope­rasyon na nagresulta sa  pagkakakumpiska ng higit P300,000 halaga ng shabu matapos na magpanggap na buyer ng 150 gramo ng  shabu ang isang asset ng pulisya.

Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. Ricky Tulipat, Danilo Garcia

vuukle comment

AREA D

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GAO QIANG

GILBERT VILLAGEN

ISANG

ISANG CHINESE

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with