Pabaya sa pamilya inutas ng bayaw
MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang lalaki ang kanyang bayaw dahil sa pagpapabaya umano nito sa kanyang pamilya naganap kamakalawa sa Navotas.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Ramil Royo, ng Road 10 Sitio Sto. Niño, Northbay Boulevard South, ng lungsod.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si alyas Ompong, bayaw ng biktima at residente rin sa naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima ay nagtalo ang magbayaw nang sitahin ng suspek si Royo ukol sa ginagawang pagpapabaya umano sa kanyang paÂmilya dahil sa pagkagumon sa iligal na droga.
Hindi ito ikinatuwa ng biktima kaya’t nagkainitan sila ng suspek hanggang sa kumuha ng patalim ang una at tinangkang sugurin ang huli na agad din nakapagbunot ng patalim at sunud-sunod na undayan ng saksak.
- Latest