^

Police Metro

Piskal dedo sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang piskal ang nasawi habang nasa kritikal namang kalagayan ang driver nito nang  tambangan sila ng hindi pa nakilalang mga suspek kahapon sa Marawi City, Lanao del Sur.

Namatay noon din ang biktimang si Atty. Zaipal Alawi Sr., 64-anyos, Assistant City Prosecutor at residente ng Brgy. Loksadatu Bangon ng lungsod dahil sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol  at cal 9 MM sa ulo at iba pang bahagi ng katawan nito.

Nasa kritikal na kondisyon sa Amai Pakpak Hospital ang driver nitong si Saiben Baiza, 46-anyos  na nagtamo ng mga tama ng  bala sa likurang bahagi ng katawan at mukha.

Sa imbestigasyon, bandang alas-11:45 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas ang kinalululanang kot­se na Toyota Corolla GLI (TFY-138) ng mga biktima at binabaybay ang kahabaan ng Crossing Sarimanok, Brgy. Marawi, Marawi City nang pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa lugar.

Inaalam pa ng pulisya kung anong sensitibong kaso ang hinawakan ng biktima kung bakit ito pinatay.

 

vuukle comment

AMAI PAKPAK HOSPITAL

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

BRGY

CROSSING SARIMANOK

LOKSADATU BANGON

MARAWI CITY

SAIBEN BAIZA

TOYOTA COROLLA

ZAIPAL ALAWI SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with