Most wanted sa Bulacan, tiklo sa Maynila
MANILA, Philippines - Tiklo sa Sampaloc, Maynila ang isang 52-anyos na dating Overseas Filipino Worker (OFW) na sinasabing pang 9 sa most wanted person sa Bulacan na may walong taon nang nagtatago sa batas kaugnay sa ‘crime of passion’ o pagpatay sa kalaguyo ng kaniyang misis sa lalawigan ng Bulacan noong taong 2006.
Isinilbi kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at Bulacan Police ang alias warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Malolos City, Bulacan RTC Branch 7, Judge Danilo Manalastas , sa suspek na si Alejandro B. Panopio, residente ng Area-C, Barangay San Martin 1, San Jose Del Monte, Bulacan, na natunton sa bahay ng kaniyang pamangkin sa #1006 Leyte St., Balic-balic, Sampaloc, Maynila.
Sinasabing nakakuha ng impormasyon si PO1 Gilbert Gunao, ng Bulacan Police na nagtatago sa Maynila ang suspek.
Nakipag-coordinate ang Bulacan PNP sa paÂngunguna ni P/Insp. Michael Ray Bernardo sa hepe ng District Intelligence Division ng MPD na si PInsp. Edward Samonte para sa pag-aresto sa suspek.
Naabutan pang kumakain ang suspek sa bahay ng kanyang pamangkin na kusang loob naman sumama sa mga awtoridad.
- Latest