^

Police Metro

Foreman utas: Nahulog sa gusali

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang foreman ng ito ay mahulog sa ikatlong palapag na ginagawang gusali makaraang matulog sa pasamano nito sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO3 Ericson Isidro ang biktima na si Tomas Lagundi, 38, na nagawa pang maisugod ng kanyang mga kasamahan sa ospital pero hindi na rin umabot ng buhay.

 Nangyari ang insidente sa may loob ng isang construction site na matatagpuan sa #720 D. Tuazon St., ganap na alas-11:30 ng gabi.

Ayon kay Edgar Beltran, kasamahan ng biktima, natutulog umano siya sa ground floor ng nasabing establisyemento nang magising sa malakas na kalabog.

Agad na pinuntahan ni Beltran ang pinagmulan ng kalabog kung saan nito naabutan ang biktima na nakahandusay at duguan.

Mabilis na humingi ng tulong si Beltran sa ibang kasamahan at isinugod ang biktima sa Chinese General Hospital pero idineklara dead-on-arrival.

 

AYON

BELTRAN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

EDGAR BELTRAN

ERICSON ISIDRO

KINILALA

MABILIS

QUEZON CITY

TOMAS LAGUNDI

TUAZON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with