^

Police Metro

Seaman hinostage ang sarili

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang 41-anyos na seaman ang kanyang sarili upang hindi maaresto matapos na ireklamo ito ng pananakit ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Quezon City.

Tinutukan ng suspek na kinilalang si Ariel Tolones,ang sarili ng patalim matapos dumating ang mga pulis upang siya ay arestuhin.

Sa ulat, alas-5:00 ng umaga nang puntahan ng suspek na noon ay lasing ang bahay ng misis na si Gresilda, 44, guro, at kinompronta tungkol sa educational plan ng tatlo nilang anak.

Ang  komprontasyon ay nauwi sa pagtatalo at sakitan na kung saan ay nagawang makatalon ng biktima at nagtungo sa barangay para ireklamo ang mister.

Rumesponde ang mga opisyales ng barangay kasama ang tropa ng QCPD station 6 at pinuntahan ang suspek para imbitahan sa barangay.

Habang kinakausap ng pulis ang suspek ay nagawang nakalabas ang tatlong bata kaya’t hinostage lang nito ang sarili.

Isinagawa ang negosasyon at pagkalipas ng 20 minuto ay sumuko ang suspek na pinag-aaralan pa kung kakasuhan.

vuukle comment

ARIEL TOLONES

BARANGAY

GRESILDA

HABANG

HINOSTAGE

ISINAGAWA

QUEZON CITY

RUMESPONDE

SUSPEK

TINUTUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with