^

Police Metro

4 holdaper binigo ng bullet proof na SUV

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigong maholdap ng apat na kalalakihan ang mga sakay ng isang SUV matapos na hindi tablan ng bala dahil sa ito ay bullet proof kamakalawa sa P. Burgos St., Ermita, Maynila.

Batay sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon ay minamaneho ni Leyland Mendoza, driver ng Edzen Money Changer ang Mitsubishi Strada (TOL-447) kasama ang dalawang empleyado nang sila ay dikitan ng kulay berde na Toyota Revo na walang plaka sa tapat ng Planetarium sa P. Burgos St. dito ay pinagbabaril ang kanilang sasakyan ng apat na lalaki na naka-bonnet, subalit hindi ito tinablan dahil sa bullet proof ito at ta­nging gulong ang tinamaan kaya naplatan.

Hindi nasiraan ng loob si Mendoza at patuloy na pinatakbo upang makaiwas sa mga suspek at nang makarating sa isang simbahan sa Ermita ay nagpasaklolo ito sa  nagpapatrulyang mga tourist police.

Dito na umalis ang mga suspek nang makita na dumarating ang mga pulis.

Ayon sa may ari ng money changer na madalas na silang nahoholdap kaya’t pinasadya nilang ipa-bullet proof ang kanilang sasakyan.

vuukle comment

AYON

BATAY

BURGOS ST.

DITO

EDZEN MONEY CHANGER

ERMITA

LEYLAND MENDOZA

MITSUBISHI STRADA

TOYOTA REVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with