^

Police Metro

Naghagis ng granada napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na wanted sa batas ang napatay nang ito ay barilin ng mga pulis matapos na maghagis ng granada habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya kahapon ng umaga sa Lubao, Pampanga.

Namatay noon din ang suspek na si Jesus Torres alyas Boy Pana, ng Sitio Mulang Matwa, Brgy. San Roque, Arbol,  Lubao.

Nasugatan naman ang pulis na si PO2 Randy Pascacio, miyembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) 3.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa harapan ng bahay ng suspek ay nagtungo sa lugar ang mga elemento ng RPSB 3 3 1ST Maneuver Company sa pamumuno ni Sr. Ins­pector Elias Tait upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Torres.

Sa halip na sumuko ang suspek ay hinagisan nito ng granada ang arresting team na ikinasugat ni PO2 Pascacio kung kaya’t napilitan na ito ay barilin hanggang sa mapatay.

vuukle comment

BOY PANA

ELIAS TAIT

JESUS TORRES

LUBAO

MANEUVER COMPANY

RANDY PASCACIO

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SAN ROQUE

SITIO MULANG MATWA

SR. INS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with