^

Police Metro

Preso, natagpuang nakabigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang preso ang natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang selda sa Quezon City Jail, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, ang nasawi na si Antonio Diño, 53, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang at residente ng 202 Libyan Street, Salaam Compound, Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon kay Tejerero, ang biktima ay nadiskubre ng kanyang kasamang preso na si Alberto Chanco sa loob ng selda no. 7 ng QC jail, dakong alas-3:30 ng hapon.

May alambre umano sa leeg na hinigpitan sa pamamagitan ng kahoy na stick nang makita ang biktima, at isinugod pa ito sa East Avenue Medical Center, gayunman idineklara din itong patay ni Dr. Maynard Hernal, ganap na alas-4:26 ng hapon.

Sinabi ni Supt. Joseph Vela, jail warden ng QC jail, nakipag-coordinate na umano sila sa Regional office ng BJMP kaugnay sa insidente. Hinihintay pa anya nila ang imbestigasyon ng CIDU upang mabatid kung may naganap na foul play.

Pinatawag na rin niya ang mga kaanak ng biktima upang alamin kung may nabanggit ito sa kanila na maaring makapagbigay ng giya para maresolba kung nagpakamatay o sadyang pinatay  ang biktima.

Si Diño ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11, RA 9165 o ang comprehensive drug abuse law sa QC RTC Branch 82.

 

vuukle comment

ALBERTO CHANCO

ANTHONY TEJERERO

ANTONIO DI

BARANGAY CULIAT

DR. MAYNARD HERNAL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSEPH VELA

LIBYAN STREET

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with