^

Police Metro

Davao Oriental niyanig ng 5.8 na lindol - Phivolcs

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental at naram­daman sa ilang siyudad malapit dito kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng kagawaran, ang lindol ay naramdaman may 31 kilometro sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, ala 1:44 ng hapon.

May lalim itong 113 kilometro na ayon sa ahen­sya ay maaring magdulot pa ng mga sumunod na aftershocks.
Gayunman, tectonic ang origin nito, pero naramdaman ang intensity 4 sa Davao City, Mati City, at Davao Oriental; intensity 3 sa Bislig, Surigao del Sur, at Tagum city; at intensity 1 sa may Gingoog, Misamis Oriental.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa naturang pagyanig.

BISLIG

DAVAO CITY

DAVAO OCCIDENTAL

DAVAO ORIENTAL

GAYUNMAN

GINGOOG

MATI CITY

MISAMIS ORIENTAL

NIYANIG

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with