^

Police Metro

P100-M tinangkang isuhol ng pyramiding scam queen

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigo umano sa tangkang panunuhol ng P100 M sa arresting team ng naarestong misis ng mastermind ng Aman Futures Group  na sangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Chief Inspector Melvin Montante, Chief ng Intelligence Operation Section (IOS) ng Police Regional Office (PRO) 3, matapos makatanggap ng tawag mula sa cellular phone si SPO1 Jose Santos, isa sa umaresto sa suspek na si Abigail Pendulas para pakawalan ito kapalit ng P100 milyon.

Matatandaan na noong Mayo 2 ay nasakote si  Pendulas, misis ng utak sa pyramiding scam na si Manuel Amalilio sa San Fernando City, Pampanga.

 â€œMay tumawag sa CP ni Abigail  na inabot  niya sa  tao ko (SPO1 Santos) na katabi niya, sino raw ba pwedeng makausap dito, pagkatapos na sabihin na name your price, nagbanggit daw  yung lalaki ng P100 milyon,” ani Montante.

 Gayunman, hindi umano nagpakilala ang nasabing caller na  sinabi lamang na kaibigan ng inarestong si Pendulas na handang magbigay ng nasabing halaga.

Ipinag-utos naman ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta na alamin kung sino ang nasabing caller para maaresto ito sa entrapment operation, pero hindi na ito muli pang tumawag.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nakapiit sa detention cell ng PRO 3 sa Camp Olivas, Pampanga.

 

ABIGAIL PENDULAS

AMAN FUTURES GROUP

CAMP OLIVAS

CHIEF INSPECTOR MELVIN MONTANTE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

INTELLIGENCE OPERATION SECTION

JOSE SANTOS

MANUEL AMALILIO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with