3 todas sa Batangas shootout
MANILA, Philippines - Isang market admiÂnistrator ang nasawi matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek na nasawi din sa pakikipagbarilan sa mga nagrespondeng operatiba ng pulisya kahapon ng tanghali sa palengke ng Tanauan City, Batangas.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Noli Roxas, market administrator sa pamilihang lungsod ng Tanauan.
Ayon kay Inspector Rommel Alcantara, imbesÂtigador sa kaso na inaÂalam pa nila ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing suspek.
Batay sa ulat, mag-a-alas-12:00 ng tanghali nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilaÂlang mga suspek si Roxas.
Dahil sa kaguluhan sa palengke ay tumawag ang mga tao ng mga pulis na mabilis nagresponde at dito ay naabutan ang dalawang suspek.
Hinabol ng mga otoridad ang dalawa na mula sa Brgy. Poblacion V, Poblacion VII ay umabot sa Brgy. Daraza na kung saan ito nakorner at dito ay nagpalitan ng putok ang magkabilang panig.
Sa kainitan ng putukan ay tinamaan ang dalawang suspek na kapwa namatay noon din at narekober ang ginamit nilang baril na cal. 45 pistol.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo bakit pinatay ang biktima.
- Latest