^

Police Metro

EBCS sa GSIS, pasisimulan sa Hulyo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasisimulan na sa Hulyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang paggamit ng online payment sa pamamagitan ng Electronic Billing and Collection System (EBCS).

 Gagamitin ang EBCS ng nakatokang tauhan ng ahensya ng pamahalaan sa pagtanggap at pagre-remit ng mga bayarin sa GSIS, partikular ang Electronic Remittance File (ERF).

Sa pamamagitan ng bagong sistema, maaa­ring makapag-download ng GSIS billing statements, makapag-upload ng ERF at marebisa ang “account history” ng mga miyembro.  Maaari ring makakuha ng ulat para masuri, ma-update ang mga datos at maitama ang mga mali bago magbayad.

 Sa ilalim ng EBCS, magpapadala sa pamamagitan ng email ang GSIS sa mga ahensya na maaari na silang mag-download ng bil­ling statement sa una at ika-15 araw bawat buwan.  Maaari namang mai-upload ang “remittance list” at ikukumpara sa “billing statement”.  Puwede na itong bayaran kung magtutugma ang dalawang datos.

 Para sa pagbabayad, maaaring ikonekta ang EBCS sa mga bangko na akredito ng GSIS.  Ang mga ahensya naman na wala pang kapabilidad sa teknolohiya ay maaa­ring magbayad “over the counter” o sa mga bangko.

 Inaasahan naman namakakatipid ang pamahalaan ng milyon-milyong pondo na ginagastos sa “postage at couriere expenses” habang mas mapapabilis ang tran­saksyon.

 

ELECTRONIC BILLING AND COLLECTION SYSTEM

ELECTRONIC REMITTANCE FILE

GAGAMITIN

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HULYO

INAASAHAN

MAAARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with