2 Bebot inutas sa QC
MANILA, Philippines - Utas ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City kahapon.
Ayon sa ulat ng Quezon Ctiy Police District-Criminal Investigation and Detection Unit,nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktimang si Aurora Ramos, 47, residente ng Adarna Extension, Purok 12, Brgy. Commonwealth.
Sa imbestigasyon ni PO2 Headry Tingle ng Police Station 6, bumibili sa isang tindahan sa Adarna St., Riverside ang biktima ng lapitan ito ng suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin.
Matapos ang krimen ay naglakad lamang umano na parang walang nangyari ang suspek papalayo at iniwang duguang nakahandusay sa simento ang biktima.
Nabatid na may walong anak si Ramos at tatlo sa mga ito’y may sarili ng pamilya habang ang lima ay nasa puder ng biktima.
Nag-aalala ngayon ang mga kaanak ngbiktima kung sinong mag-aalaga sa mga naulilang supling lalo’t nitong Huwebes lamang aynakulong ang kanilang ama matapos mahulihan ng bala.
Samantala, ganap na alas-12:30 naman ng hapon nang maganap ang pamamaril sa isang Jennifer Barriedo, 35, ng hindi nakikilalang salarin sa may Novaliches.
Sinabi ni PO3 Fernando Tanghay, naglaÂlakad umano ang biktima sa kahabaan ng Florentina, Brgy. Gulod nang lapitan ito ng armadong suspek at malapitan barilin sa ulo.
Agad na nasawi ang biktima sa pinangyarihan ng krimen habang ang suspek ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.
Wala pang lead ang QCPD kung ano ang motibo ng krimen at kung sino ang mga salarin na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon.
- Latest

















