^

Police Metro

Obrero nabuhusan ng lusaw na bakal

Randy V. Datu - Pang-masa

SUBIC, Zambales, Philippines - Nasawi ang isang welder  ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines matapos masunog ang kanyang katawan nang bumagsak sa kanya ang lusaw na bakal habang nagwewel­ding noong Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Randy Gascos, 29, ng Camiguin Island, isang fit-up welder sa nasabing kumpanya.

Nabatid na isinugod pa ang biktima sa Unihealth-Baypointe Hospital and Medical Center, subalit ito ay binawian din ng buhay kinabukasan.

Nabatid sa ulat ng grupo ng mga manggagawa sa Hanjin na nabagsakan ng nalulusaw na bakal ang cutting hose ng biktima na siyang naging sanhi ng biglang pag-apoy ng host. Ang apoy ay mabilis na kumalat sa biktima na agad ikinasunog ng ma­laking bahagi ng kanyang katawan.

Ayon naman kay Edgar Allan Lobo, external affairs Manager ng Hanjin, namatay ang biktima dahil sa tindi ng pagkasunog ng katawan. Idinagdag pa ni Lobo na si Gacus ay empleyado ng Finback Corporation, isang subcontractor ng Hanjin Shipyard.

Magbibigay umano ng tulong pinansyal ang Finback sa pamilya ng biktima ayon na rin sa batas.

Si Gacos ang ika-37 manggagawa na namatay sa Hanjin mula noong 2008 ayon sa datos ng Department of Labor and Employment.

CAMIGUIN ISLAND

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EDGAR ALLAN LOBO

FINBACK CORPORATION

HANJIN

HANJIN HEAVY INDUSTRIES AND CONSTRUCTION PHILIPPINES

HANJIN SHIPYARD

NABATID

RANDY GASCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with