^

Police Metro

Ruby Tuason binigyan ng immunity ng Ombudsman

Angie dela Cruz, Rudy Andal - The Freeman

MANILA, Philippines - Kapalit ng pagpapahayag ng lahat ng nalalaman hingil sa kaso at magpapalabas ng mga dokumento na hawak nito na may kinalaman sa maanomalyang paglustay sa P10 bilyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ay pinagkalooban ng Ombudsman ng immunity si Ruby Tuason.

Sa limang pahinang Immunity Agreement sa pagitan nina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Tuason, may immunity ito mula sa criminal prosecution hinggil sa PDAF scam.

Kapag anya mabigo si  Tuason sa kasunduan  ay agad maaalis ang naibigay ditong immunity at babalik siya bilang isa sa mga akusado sa kasong plunder.

Sa ilalim ng  Republic Act 6770 o ang  Ombudsman Act of 1989, ang Ombudsman ay may kapangyarihan na magbigay ng  immunity sa mga taong may kasong kriminal lalupat kakailanganin ang mga hawak nitong ebidensiya sa gagawing pagdinig ng Ombudsman hinggil sa naturang kaso.

 Sinasabi ni Tuason na siya ang nagpakilala kina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada sa negosyanteng si Janet Lim  Napoles noong  2004 at kada proyekto, ang mambabatas ay tumatanggap ng 40 percent kickback  at siya naman ay tumatanggap ng 1.5 percent sa bawat referral.

Umaasa naman ang Malacañang na magsasabi ng katotohanan at ilalantad ni  Tuason ang lahat ng kanyang nalalaman ukol sa P10 bilyong pork barrel scam.

IMMUNITY AGREEMENT

JANET LIM

JINGGOY ESTRADA

OMBUDSMAN ACT

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REPUBLIC ACT

RUBY TUASON

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with