3 NPA rebels dedo sa militar
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi nang makasagupa nila ang tropa ng militar kahapon ng umaga sa liblib na lugar sa Sitio Tibungo, Brgy. Poblacion, Montevista, Compostela Valley.
Sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga nang matisod ng tropa ng 25th Infantry Battalion (IB) ang kuta ng mga rebelde sa nasabing lugar at dito ay agad nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng 10 minuto na ikinasawi ng tatlong rebelde.
Nabatid na nakatanggap ng tip ang militar sa mga sibilyan tungkol sa pagkakampo ng mga armadong lalaki sa lugar kayat agad nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa bakbakan.
- Latest