^

Police Metro

Bakbakan sa Sulu:15 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang 14 na  miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo habang 19 Marine troopers ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Brig. Gen. Martin Pinto, Comman­der ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu, bandang alas-4:00  ng hapon nang atakihin ng nasa 100 bandido ang tropa ng mga sundalo sa pagtatangkang bawiin ang nakubkob nilang kampo sa Sitio Kan Jimao, Brgy. Buhanginan sa bayan ng Patikul na naganap noong Lunes ng alas-5:00 ng umaga.

Ayon kay Pinto habang nagbabakbakan ay may 200 pang mga armadong lawless elements  ang sumaklolo sa mga kasamahang Abu Sayyaf Group galing Talipao at Inda­nan kaya aabot sa halos 300 ang mga bandidong kanilang nakasagupa.

Sa nasabing pagtatangka ng Abu Sayyaf  na mabawi ang kanilang kampo ay tumagal ang bakbakan ng dalawang oras.

Mabilis na nagsitakas ang mga bandido tangay ang mga namatay nilang kasamahan.

Patuloy ang crackdown operations ng tropa ng pamahalaan laban sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

BUHANGINAN

JOINT TASK FORCE SULU

MARINE BRIGADE

MARTIN PINTO

PATIKUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with