^

Police Metro

Utol nagtapon ng basura sinaksak ng kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang 33-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang kuya matapos na magtalo sa pagtatapon ng basura kahapon ng hapon sa Brgy.Kasangyangan, Zamboanga City.

Ang biktima  ay kinilalang si Khadafy Lakibul ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Zamboanga City Medical Center sa tinamong malalim na sugat sa katawan partikular na sa kaniyang dibdib.

Pinaghahanap ang suspek na si Haber Lakibul, 45-anyos  na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon sa nabanggit na lugar ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-utol matapos na bumagsak  sa kuwarto ng suspek ang basura  ng itinapon umano ng biktima mula sa ikalawang palapag.

Habang nagtatalo ay kumuha ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima sa katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

HABANG

HABER LAKIBUL

KASANGYANGAN

KHADAFY LAKIBUL

PINAGHAHANAP

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with