^

Police Metro

Principal inutas ng mister na pulis

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang nawala sa sarili ang isang pulis nang pagbabarilin nito ang kanyang misis na principal sa eskwelahan sa gitna ng kanilang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Saligyn Pabustan-Ortiz, punong guro ng Griño Elementary School sa Barangay Gansing, Tacurong City.

Ang suspek na tumakas ay ang mister nitong si PO3 Jonathan Ortiz, nakatalaga sa Sultan Kudarat Police Provincial Office.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Tual, President Quirino ay nagkaroon muna ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilanan.

Habang nagtatalo ay napikon ang mister at agad na binunot ang nakasukbit na service firearm at walang patumanggang pagbabarilin ang misis.

Ang suspek na tumakas ay kinasuhan ng parricide.

vuukle comment

BARANGAY GANSING

BARANGAY TUAL

ELEMENTARY SCHOOL

JONATHAN ORTIZ

PRESIDENT QUIRINO

SALIGYN PABUSTAN-ORTIZ

SULTAN KUDARAT

SULTAN KUDARAT POLICE PROVINCIAL OFFICE

TACURONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with