^

Police Metro

Tsuper ng jeep dedo sa road rage

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 38-anyos na jeepney driver nang barilin ng isang lalaking nakaangkas sa motorsiklo matapos na magkaroon ng gitgitan sa kalye kahapon ng madaling-araw sa Intramuros, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Johnny Mateo, may-asawa ng Ricon St., Malinta, Valenzuela City.

Hindi pa kilala ang suspek na angkas ng isang pulang Honda motorcycle na nakasuot ng helmet.

Sa ulat, dakong  alas-12:45 ng madaling araw ay namamasada ang biktima ng kanyang jeep (NVC-236) na may rutang Malanday-Pier (vice-versa) at pagdating sa Bonifacio drive, Anda Circle, Intramuros ay dinikitan siya ng motorsiklo at barilin ng lala­king nakaangkas at nang tamaan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Delpan bridge.

Hinala ng pulisya na nagkaroon muna ng gitgitan ang dalawa sa kalye na inakala ng biktima na tapos na yun pala ay napikon ang mga suspek kaya’t hinabol ito at nang maabutan ay binaril.

 

ANDA CIRCLE

BONIFACIO

DELPAN

HINALA

INTRAMUROS

JOHNNY MATEO

MALANDAY-PIER

RICON ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with